Biyernes, Disyembre 2, 2016

PAGSUSULIT SA EKONOMIKS!

PANUTO: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
A. pamamahala ng negosyo.
B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan.
D. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat __________.
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
C. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
D. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
C. parami nang parami at walang katapusan.
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
A. lumiliit ang sukat ng daigdig.
B. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito. 
C. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming
lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito?
A. lupain, teknolohiya, at yamang-tao
B. puhunan, yamang-tao, at negosyo
C. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
D. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao 
8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
A. Luho at Hilig
B. Likas at Di-Likas
C. Materyal at Di-materyal
D. Produkto at Serbisyo
9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
A. luhong pangkatawan.
B. pangunahing pangangailangan.
C. hilig-pantao.
D. sekundaryong pangangailangan.
10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at
paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.

Reference:
Project EASE: Modyul 1 sa Araling Panlipunan IV

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento