Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

VIDEOS PARA DAGDAG KAALAMAN!



ANO ANG KAKAPUSAN?



ANO ANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN?


ANO ANG PAGKONSUMO?

Martes, Nobyembre 29, 2016

SUBUKAN AT PAG-ISIPAN MO!


GAWAIN 1:Marami at iba’t iba ang pananaw tungkol sa kahulugan ng ekonomiks. Basahin mo ang bawat isa at itsek mo kung alin para sa iyo ang pinaka-angkop na kahulugan.


___ 1. Pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at alokasyon ng mga produkto at serbisyo upang hindi kapusin sa mga pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong bansa at maging ang buong daigdig.
___ 2. Pamumuhunan sa negosyo at pagpapalago ng kita at tubo ng negosyo, o pangngapitalista.
___ 3. Pagtugon sa tatlong pangunahing tanong na: ano ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus, paano ipopprodyus ang mga ito, at para kanino ang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.
___ 4. Pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano gagamitin ang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na produkto sa pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay-kalakal o mga negosyante kung paano makabubuo ng pinakamahusay at de kalidad na produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid.
___ 5. Pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng kapital o puhunan upang palaguin ang kayamanan ng mga at establisimyento sa lipunan.
___ 6. Pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa upang mapunuan ang mga kakulangan sa pangangailangan at hilig-pantao sa bansa.

GAWAIN 2:Isulat sa kahon sa kanan ng larawan ang iyong nalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang magaaral at kasapi ng pamilya at lipunan.


Lunes, Nobyembre 28, 2016

EKONOMIKS: ATING ALAMIN!

EKONOMIKS

  Ito ay isang agham panlipunan na sumasalamin sa ginagawang pagsisikap ng mga tao na magkaroon ng ikabubuhay. Lahat ng tao ay naghahangad ng maayos na pamumuhay, kaya sila ay nagsusumikap sa buhay.
    Ang Ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.


Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham


    Ang ekonomiks, gaya rin ng ibang sangay ng agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pag-aaral ng lipunan. Mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa ekonomiks lalung lalo na sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat na nakabatay sa mga datos o impormasyon at di sa opinyon at haka-haka 15 o tsismis lamang. Kinakailangan din ang pagkalap ng tunay na sitwasyon at pagpapahalaga ng mga mamamayan at di batay ang desisyon sa ilang makapangyarihang grupo lamang. Ang pansariling opinyon ay mahalaga ngunit di sapat upang makabuo ng desisyon. Kayat mahalaga ang sistematikong pamamaraan.

Mga Kagamitang Pantulong sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Bilang isang agham panlipunan, at siyentipikong pag-aaral,gumagamit ang mga ekonomista ng mga kagamitang makatutulong sa pag-unawa ng kalagayang pangkabuhayan at paglutas sa mga suliraning pang-ekonomiya ng lipunan.
Ang mga kasangkapan o kagamitan ng mga ekonomista ay ang mga statistiks, ekwasyon o pormula sa matematiks, logic o mapanuring pag-iisip na sinusuportahan ng mga datos o impormasyon mula sa tunay na buhay, at iba pang pruweba o datos na maaaring numero o impormasyon.



References:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Project EASE Modyul 1: Araling Panlipunan IV