Lunes, Nobyembre 28, 2016

EKONOMIKS: ATING ALAMIN!

EKONOMIKS

  Ito ay isang agham panlipunan na sumasalamin sa ginagawang pagsisikap ng mga tao na magkaroon ng ikabubuhay. Lahat ng tao ay naghahangad ng maayos na pamumuhay, kaya sila ay nagsusumikap sa buhay.
    Ang Ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.


Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham


    Ang ekonomiks, gaya rin ng ibang sangay ng agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pag-aaral ng lipunan. Mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa ekonomiks lalung lalo na sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat na nakabatay sa mga datos o impormasyon at di sa opinyon at haka-haka 15 o tsismis lamang. Kinakailangan din ang pagkalap ng tunay na sitwasyon at pagpapahalaga ng mga mamamayan at di batay ang desisyon sa ilang makapangyarihang grupo lamang. Ang pansariling opinyon ay mahalaga ngunit di sapat upang makabuo ng desisyon. Kayat mahalaga ang sistematikong pamamaraan.

Mga Kagamitang Pantulong sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Bilang isang agham panlipunan, at siyentipikong pag-aaral,gumagamit ang mga ekonomista ng mga kagamitang makatutulong sa pag-unawa ng kalagayang pangkabuhayan at paglutas sa mga suliraning pang-ekonomiya ng lipunan.
Ang mga kasangkapan o kagamitan ng mga ekonomista ay ang mga statistiks, ekwasyon o pormula sa matematiks, logic o mapanuring pag-iisip na sinusuportahan ng mga datos o impormasyon mula sa tunay na buhay, at iba pang pruweba o datos na maaaring numero o impormasyon.



References:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Project EASE Modyul 1: Araling Panlipunan IV


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento