___ 1. Pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at alokasyon ng mga produkto at serbisyo upang hindi kapusin sa mga pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong bansa at maging ang buong daigdig.
___ 2. Pamumuhunan sa negosyo at pagpapalago ng kita at tubo ng negosyo, o pangngapitalista.
___ 3. Pagtugon sa tatlong pangunahing tanong na: ano ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus, paano ipopprodyus ang mga ito, at para kanino ang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.
___ 4. Pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano gagamitin ang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na produkto sa pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay-kalakal o mga negosyante kung paano makabubuo ng pinakamahusay at de kalidad na produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid.
___ 5. Pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng kapital o puhunan upang palaguin ang kayamanan ng mga at establisimyento sa lipunan.
___ 6. Pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa upang mapunuan ang mga kakulangan sa pangangailangan at hilig-pantao sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento