Biyernes, Disyembre 16, 2016

IMPLASYON

LARAWAN SURIIN: SURIIN AT PAG-ARALAN ANG LARAWAN SA IBABA. SAGUTIN ANG PAMPROSESONG TANONG.


1. ANO ANG IPINAHIHIWATIG NG LARAWAN?
2. ANO ANG BASEHAN NG INYONG NAGING OBSERBASYON?
3. SA INYONG PALAGAY, ANO ANG MAAARING MAGING DAHILAN NG GANITONG SITWASYON?

References:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral

Huwebes, Disyembre 15, 2016

SALN: IDEKLARA IYONG YAMAN

ANO ANG SALN?

Nangangahulugan ang SALN ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (Pahayag ng mga Pag-aari, Liabilidad, at Kabuuang Yaman). Isa itong deklarasyon ng assets o mga pag-aari (hal. lupa, sasakyan, atbp.) at liabilidad (hal. loan, utang, mga binabayarang interes, atbp.) ng isang opisyal o empleado, pati na ng kanyang asawa, at mga anak na di pa kasal at menor de edad na nakatira pa rin sa magulang. Mandatoryo ang pagpapasa ng SALN sa ilalim ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng 1987 Konstitusyon, at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713, ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” Kasama rito ang isang waiver na nagbibigay-kapangyarihan sa Ombudsman o sa kanyang awtorisadong kinatawan na makuha ang mga dokumentong maaaring magpakita ng mga pag-aari, liabilidad, kabuuang yaman, interes sa negosyo, at mga koneksiyong pampinansiya ng lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

KAILAN DAPAT MAGPASA NG SALN?

Mula sa RA 6713, Seksiyon 8:
Kailangang ipasa ang SALN:
sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos manungkulan;
tuwing Abril 30, o mas maaga, ng bawat susunod na taon; at
sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos magbitiw sa serbisyo.

Reference: http://www.gov.ph/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-saln/

GAWAIN: PUNAN MO NG KUNWARING DATOS ANG SALN NA NASA IBABA BILANG PAGPAPAKITA NG IYONG PAMUMUHAY.





















Biyernes, Disyembre 9, 2016

MGA BALITANG PARA SA EKONOMIYA: ANO ANG MASASABI MO?

PANUTO: BASAHIN ANG BALITA AT SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA PAMPROSESONG TANONG.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng artikulong ito?
2.Patunayan kung ang nabanggit na paggasta para sa imprastruktura ay tunay ngang makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas?


Related image
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais iparating ng artikulong ito?
2.Ano ang kaugnayan nito sa ating pambansang ekonomiya? Ipaliwanag.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang itinuturong dahilan ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng bigas, bawang at luya?
2.Paano maiuugnay ang tumataas na halaga ng luya at bawang sa batas ng supply at demand?

Martes, Disyembre 6, 2016

Biyernes, Disyembre 2, 2016

PAGSUSULIT SA EKONOMIKS!

PANUTO: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
A. pamamahala ng negosyo.
B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan.
D. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat __________.
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
C. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
D. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
C. parami nang parami at walang katapusan.
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
A. lumiliit ang sukat ng daigdig.
B. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito. 
C. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming
lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito?
A. lupain, teknolohiya, at yamang-tao
B. puhunan, yamang-tao, at negosyo
C. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
D. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao 
8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
A. Luho at Hilig
B. Likas at Di-Likas
C. Materyal at Di-materyal
D. Produkto at Serbisyo
9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
A. luhong pangkatawan.
B. pangunahing pangangailangan.
C. hilig-pantao.
D. sekundaryong pangangailangan.
10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at
paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.

Reference:
Project EASE: Modyul 1 sa Araling Panlipunan IV

Huwebes, Disyembre 1, 2016

PRODUKSYON: ATING PAUNLARIN

PRODUKSYON

GAWAIN: S.P.G (SANGKAP SA PRODUKSYON i-GRUPO)







References:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Project EASE Modyul 1: Araling Panlipunan IV

Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

VIDEOS PARA DAGDAG KAALAMAN!



ANO ANG KAKAPUSAN?



ANO ANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN?


ANO ANG PAGKONSUMO?

Martes, Nobyembre 29, 2016

SUBUKAN AT PAG-ISIPAN MO!


GAWAIN 1:Marami at iba’t iba ang pananaw tungkol sa kahulugan ng ekonomiks. Basahin mo ang bawat isa at itsek mo kung alin para sa iyo ang pinaka-angkop na kahulugan.


___ 1. Pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at alokasyon ng mga produkto at serbisyo upang hindi kapusin sa mga pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong bansa at maging ang buong daigdig.
___ 2. Pamumuhunan sa negosyo at pagpapalago ng kita at tubo ng negosyo, o pangngapitalista.
___ 3. Pagtugon sa tatlong pangunahing tanong na: ano ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus, paano ipopprodyus ang mga ito, at para kanino ang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.
___ 4. Pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano gagamitin ang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na produkto sa pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay-kalakal o mga negosyante kung paano makabubuo ng pinakamahusay at de kalidad na produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid.
___ 5. Pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng kapital o puhunan upang palaguin ang kayamanan ng mga at establisimyento sa lipunan.
___ 6. Pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa upang mapunuan ang mga kakulangan sa pangangailangan at hilig-pantao sa bansa.

GAWAIN 2:Isulat sa kahon sa kanan ng larawan ang iyong nalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang magaaral at kasapi ng pamilya at lipunan.


Lunes, Nobyembre 28, 2016

EKONOMIKS: ATING ALAMIN!

EKONOMIKS

  Ito ay isang agham panlipunan na sumasalamin sa ginagawang pagsisikap ng mga tao na magkaroon ng ikabubuhay. Lahat ng tao ay naghahangad ng maayos na pamumuhay, kaya sila ay nagsusumikap sa buhay.
    Ang Ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.


Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham


    Ang ekonomiks, gaya rin ng ibang sangay ng agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pag-aaral ng lipunan. Mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa ekonomiks lalung lalo na sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat na nakabatay sa mga datos o impormasyon at di sa opinyon at haka-haka 15 o tsismis lamang. Kinakailangan din ang pagkalap ng tunay na sitwasyon at pagpapahalaga ng mga mamamayan at di batay ang desisyon sa ilang makapangyarihang grupo lamang. Ang pansariling opinyon ay mahalaga ngunit di sapat upang makabuo ng desisyon. Kayat mahalaga ang sistematikong pamamaraan.

Mga Kagamitang Pantulong sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Bilang isang agham panlipunan, at siyentipikong pag-aaral,gumagamit ang mga ekonomista ng mga kagamitang makatutulong sa pag-unawa ng kalagayang pangkabuhayan at paglutas sa mga suliraning pang-ekonomiya ng lipunan.
Ang mga kasangkapan o kagamitan ng mga ekonomista ay ang mga statistiks, ekwasyon o pormula sa matematiks, logic o mapanuring pag-iisip na sinusuportahan ng mga datos o impormasyon mula sa tunay na buhay, at iba pang pruweba o datos na maaaring numero o impormasyon.



References:
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Project EASE Modyul 1: Araling Panlipunan IV